-- Advertisements --

Nakatakdang makipagpulong bukas, araw ng Biyernes, ang Department of Science and Technology (DOST) sa World Health Organization (WHO) upang talakayin ang isasagawang WHO Solidarity Vaccine Trials (SVT) sa Pilipinas.

Umaasa umano si DOST Secretary Fortunato dela Peña na maglalabas ang WHO ng final Standard Operating Procedures (SOP) at specific protocols sa gagawing solidarity vaccine trials.

Posible aniya na ilabas na rin ng WHO ang petsa kung kailan sisimulan ang solidarity vaccine trial sa bansa.

Una nang sinabi ni DOST Undersecretary Rowena Guevara na sa loob ng dalawang linggo ay ilalabas na ng WHO ang finals SOPs at specific protocols para sa gobyerno ng Pilipinas.

Ayon sa paliwanag ng WHO, na-delay ang paglalabas nito ng SOPs at protocols para sa clinical trials dahil na rin sa detection ng dalawang bagong variants ng coronavirus disease sa United Kingdom at South Africa.

Dagdag pa ni Guevara na posibleng sumentro ang clinical trials sa National Capital Region (NCR), Davao, Cebu, at CALABARZON area.