MANILA – Namahagi ang Department of Science and Technology (DOST) Regional Office 3 ng iba’t-ibang gamit sa ilang paaralan ng mga katutubong Aeta sa Pampanga.

Ayon kay Sec. Fortunato de la Pena, nagbigay ng “solar-powered teaching interactive multimedia teaching aid” ang DOST-Central Luzon sa Calapi Negrito Elementary School, at Marcos Village Elementary School sa Mabalacat City; Nabuclod Integrated School sa bayan ng Floridablanca.

Ang pamamahagi ng mga gamit ay bahagi ng Community Empowerment through Science and Technology (CEST) program ng DOST-3.

Katuwang ng tanggapan sa programa ang Department of Education, at Frontliners Inc., ang technology provider ng programa.

“Since it is solar-powered, the equipment is especially suited in geographically isolated and disadvantaged areas where electricity is absent,” ani Dela Pena.

Naglalaman ng teaching at learning modules ng mathematics at science para sa K to 12 students ang naturang gamit na ibinahagi ng DOST-3.

Bukod sa solar-powered equipment, nagbigay din ang DOST-3 ng isang set ng Science and Technology Academic and Research-Based Openly-Operated Kiosk Stations (STARBOOKS) sa Mawacat Elementary School sa Floridablanca.

Ang STARBOOKS ay isang digital laboratory na pwedeng ma-access kahit walang koneksyon ng internet.

Naglalaman daw ito ng iba’t-ibang science and technology resources sa iba’t-ibang format.

“Aside from the provision of STARBOOKS, the package of assistance also involves a supplemental feeding program and the establishment of a Pangkabuhayang Gulayan sa Barangay.”

“DOST-3 provided FNRI-formulated food products to the said community and assisted them in the establishment of organic farming as means of livelihood.”

Labis ang pasasalamat ng indigenous people’s rights advocate at head ng Calapi Negrito Elementary School na si Carlo Fernando Data sa inabot na tulong ng DOST-3.

“We would like to change the public’s usual impression of our tribal brothers. That they are lazy. That they are ignorant. No,” ani Data.