-- Advertisements --
Sumaklolo na ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa paglikas ng mga residente ng Sitio Lada, Barangay Pangobilian, Brooke’s Point, Palawan.
Kasunod ito ng pananalasa ng bagyong Maring bandang tanghali kanina.
Isinagawa ang naturang operasyon katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Sinasabing pinaigting ng bagyo ang pag-iral ng habagat, kaya marami ang nakaranas ng baha sa western section ng ating bansa.
Inaasahang magpapatuloy pa ang ulan at baha, kaya mananatili muna sa evacuation centers ang mga apektadong residente.