Nagkansela na ng dose-dosenang flights ang malalaking paliparan sa ibang bansa sa gitna ng nagpapatuloy na giyera sa Israel.
Kabilang sa mga paliparang nagkansela na ng flights patungong Ben Gurion Airport sa Tel Aviv ang American Airlines, Air France, Lufthansa, Emirates at Ryanair.
Ang iba pang airlines na nagsuspendi na ng flights ay ang Aegean, Swiss, Austrian Airlines, Wizz Air at Air Canada.
Bagamat hindi naman itinigil ng airport authorities sa Israel ang commercial air links sa ikalawang international airport ng Israel sa Eilat na isang tourist destination sa Red Sea.
Ayon sa Israeli flag carrier na El Al, patuloy pa rin ang mga flights sa tel aviv sa ngayon bagamat may ilang flights na inooperate aniya ng foreign partners nito ang nagkansela na.
Aniya, ang kanilang operasyon ay alinsunod sa instructions mula sa Israeli security forces kung saan lahat ng flights ngayon ay papaalis lamang mula sa Terminal 3 sa Ben Gurion.