ROBREDO DORM 1 2
IMAGE | Dorm facility in Cubao, Quezon City for COVID-19 frontliners/Office of the Vice President

Isang dormitoryo sa Cubao, Quezon City ang binuksan ng Office of the Vice President at partner na pribadong grupo para sa frontliners ng COVID-19.

Ayon kay Vice Pres. Leni Robredo, tugon ito ng kanyang tanggapan sa mga ulat na may ilang healthcare workers na nakaranas ng diskriminasyon mula sa kanilang mga tinitirhang apartment dahil sa pag-responde sa mga kaso ng pandemic virus.

“Sa gitna ng mabigat na tungkulin at pangamba sa bawat araw ng pagdu-duty, ang ating mga frontliners ay humaharap rin sa ibang mga pagsubok, mula sa hirap na makapunta sa mga ospital at institusyon kung saan sila nagtatrabaho, hanggang sa diskriminasyon dahil sa kanilang propesyon.”

Umaasa ang bise presidente na makakatulong kahit papano ang inisyatibo ng OVP, kasama ang Rotary Club of San Juan del Monte; Spouses of Rotary Club of San Juan North, at Matrix Appliances PH.

Para sa mga frontliners na nais mag-avail ng serbisyo, kailangan lang daw kumontact sa numerong: 0998-591-7408.

Para sa ating frontliners na nais mag-avail ng serbisyong ito, ipadala lamang ang mga sumusunod na detalye sa ovpfreedormservice@gmail.com o sa 0998 591 7408 (Andrea):

  • Buong pangalan
  • Kasarian
  • Designation
  • Ospital / organisasyon kung saan nagtatrabaho
  • Work shift
  • Kasalukuyang home address
  • Contact details

Kailangan lang daw ibigay ang buong pangalan, kasarian, designation, ospital na pinagta-trabahuan, oras ng shift, kasalukuyang home address at contact details.

Sa ngayon, limitado raw muna sa first come, first served basis ang pasilidad dahil na rin sa social distancing at limitadong espasyo ng lugar.

Pero nangako ang bise presidente na agad silang maglalabas ng updates kaugnay ng inisyatibo.

Umabot na ng