-- Advertisements --

Nakatakdang sumabak muli sa boxing si dating four-division world champion Donnie Nietes matapos ang mahigit dalawang taon na hindi pagtapak sa boxing ring.

Makakaharap nito si Pablo Carrillo ng Coloumbia para paglabanan ang WBO International super-flyweight title.

Gaganapin ang laban ng dalawa sa Abril 3 sa Caesars Palace Bluewaters Dubai.

Ito rin ang unang pagsabak ni Nietes sa bagong boxing promotion na MTK Global matapos ang pagsasara ng ALA Promotions dahil sa COVID-19 pandemic.

Mayroong 42 panalo isang talo, limang draw at 23 knockouts si Nietes habang si Carrillo ay mayroong 25 panalo pitong talo, isang draw at 16 na knockouts.

-- Advertisement --