-- Advertisements --
Ikinasal na ang actress na si Donita Rose sa kaniyang US-based gospel recording artist Felson Palad.
Sa kaniyang social media ay ibinahagi nito mga larawan ng pag-iisang dibdib nitong Setyembre 24, 2022.
Ginanap ang venue ng kasal sa San Clemente, California.
Noong 2021 ng mag-migrate ang actress sa US kasama ang anak na si Joshua Paul mula sa dating asawa na si Eric Villarama.
Noong Mayo 30, 2022 ng ianunsiyo ng dalawa ang kanilang engagement matapos ang ilang buwan na pagde-date.