-- Advertisements --
Inanunsiyo na ng NBA ang tatlong manlalaro na magkakatunggali para sa NBA Most Valuable Player award ngayong 2023-24 regular season.
Kinabibilangan ito nina Denver Nuggets star Nikola Jokic, Dallas Mavericks star Luka Doncic at Oklahoma City’s Shai Gilgeous-Alexander.
Si Jokic ang MVP finalist sa ikaapat na sunod na season habang si Victor Wembanyama ng San Antonio Spurs ay nangunguna sa listahan ng Rookie of the Year at Defensive Player of the Year.
Taong 2021 at 2022 ng magwagi si Jokic ng MVP na siyang naging susi para Nuggets para makuha nila ang titulo noong 2023.
Si Gilgeous-Alexander ay mayroong average na 30.1 points, 5.5 rebounds, 6.2 assists at 2.0 na steals ngayong season.