-- Advertisements --
image 29

Naipasakamay na sa Department of Social Welfare and Development at Department of Housing Settlement and Urban Development ang mga donasyon na ibinigay ng ibat ibang mga bansa para sa mga apektado ng Supertyphoon Egay.

Ito ay sa pamamagitan ng United Nations Migration Agency.

Sa tulong ng International Organizations for MIgration ng nasabing grupo, ipinasakamay sa dalawang ahensiya ang nasa 2,100 na trapal na maaaring pansamantalang magamit bilang bubong ng mga biktima ng nasabing kalamidad.

Kasama rin dito ang nasa 600 na solar lamp at 400 mga modular tents

Ang mga non-food items ay maliban pa sa libo-libong mga food packs na una nang naipamahagi ng nasabing grupo.

Pangungunahan naman ng dalawang nabanggit na ahensiya ang pamimigay ng mga nabanggit na tulong sa mga residente na apektado ng nasabing kalamidad.