Inaasahang darating na sa Pilipinas ang nasa mahigit 1 million doses ng next generation Covid-19 Bivalent vaccine sa mga susunod na buwan.
Ayon sa Department of Health (DOH) donasyon mula sa COVAX facility at iba pang mga bansa ang mga batch ng bivalent vaccine na darating sublait hindi pa kabilang dito ang binili ng gobyerno.
Nilinaw naman ng ahensiya na wala pang bivalent vaccine na itinuturok ngayon sa ating bansa.
Una na ngang nag-isyu ang Food and Drugs Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) para sa bivalent vaccines ng Moderna at Pfizer.
Ayon sa U.S. Food and Drug Administration ang bivalent Moderna vaccine ay awtorisadong ibakuna bilang single booster dose sa mga indibidwal na edad 18 anyos pataas habang ang bivalent Pfizer vaccine ay maaaring iturok sa mga indibidwal edad 12 anyos pataas.
Dalawang buwan anv inirekomendang interval mula sa primary o booster vaccination.
Ang Bivalent vaccine ay isang updated booster shots na nagbibigay ng proteksiyon laban sa original strain ng Covid-19 at target din ang bagong Omicron subvariants BA. 4/BA. 5
Sa datos ng DOH, mayrokn ng kabuuang 73.8 million Filipinos ang fully vaccinated kontra COVID-19 habang 21.2 million ang nabakunahan na ng booster shots.