Panalo ang Dominican Republic kontra Canada sa isinagawang World Exhibition game sa score na 94-88.
Ito ay bilang paghahanda sa 2023 FIBA World Cup na gaganapin sa Pilipinas.
Nakapagtala sa nasabing laro si NBA all-star center Karl-Anthony Towns ng 20 points na may kasamang 6 rebounds upang pangunahan ang Dominican Republic sa opisyal niyang pagbabalik sa larangan ng International Competition matapos ang ilang taon.
Malaking tulong din ang 20 points ni LJ Figueroa sa kanilang panalo kung saan ito ang kanilang pinakaunang panalo sa isang exhibition game.
Hindi pinaporma ni Towns ang Canada kahit pa marami itong mga NBA guards sa pangunguna ni Shai Gilgeous-Alexander (Oklahoma City Thunder), RJ Barrett (New York), Dillon Brooks (Houston), Kelly Olynyk (Utah), Dwight Powell (Dallas) at Nickeil-Alexander-Walker (Utah) sumunod ang koponan ng Canada sa USA na may pinaka maraming NBA players.
Matatandaang natalo ang Dominican Republic sa dalawang tune-up games kontra sa Puerto Rico, 86-93, at Latvia, 69-74.
Nasa Group A ng World Cup ang Dominican Republic at ka-bracket ang Gilas Pilipinas, Angola at Italy.