-- Advertisements --

Inatasan ng Department of Finance (DOF) ang Bureau of Customs (BOC) na bumuo ng special strike team na tututok sa entry points ng bansa para hindi na masalisihan ng garbage shipments mula sa ibang estado.

Sa katatapos lang na DOF Executive Committee meeting, inamin ni Customs commissioner Rey Guerrero na nakausap na niya ang kanyang counterparts mula sa ASEAN countries para sa mahigpit na law enforcement kontra pagpupuslit ng mga basura.

Katunayan, nagpasalamat pa raw ang Customs officials ng member-states dahil sa pagiging ehemplo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Guerrero also reported to Dominguez that other ASEAN member-states like Malaysia have thanked the Philippines during the 28th meeting of the ASEAN Directors-General of Customs held at the Lao Republic for setting the example in the region when President Duterte stood pat in his decision to compel Canada to immediately repatriate 69 containers of trash that were dumped in Manila six years ago,” ayon sa Finance chief.

Kung maaalala, pinauwi ng pangulo ang diplomatic officials ng pamahalaan sa Canada hangga’t hindi nababalik sa dayuhang bansa ang halos 70 container ng basura na pinasok sa Pilipinas noong 2013.

Ayon kay Dominguez, panahon na para magkaroon ng environmental unit ang Customs na magbibigay aksyon sa mga naturang issue.