-- Advertisements --
image 144

Bumaba ang dollar reserves ng Pilipinas sa buwan ng Pebrero nang mag-withdraw ang pambansang pamahalaan sa mga deposito nito para bayaran ang utang at iba pang programa, ayon sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Ang gross international reserves (GIR) ay bumagsak sa $99.3 billion noong Pebrero, mas mababa kaysa sa $100.6 billion noong buwan ng Enero.

Ang antas ng gross international reserves (GIR) na isang sukatan ng kakayahang bayaran ang mga pagbabayad sa pag-import at serbisyo sa dayuhang utang — ay inihahambing sa $107.8 billio noong Pebrero 2021.

Ang reserve assets ng sentral na bangko ay binubuo ng mga foreign investments, gold, foreign exchange at reserve position sa International Monetary Fund (IMF).

Ang pinakahuling datos ng Bureau of Treasury (BTr) ay nagpakita na ang utang ng gobyerno ay lumaki sa record-high na P13.7 trillion noong katapusan ng Enero na kung saan tumaas ng 2.1% o P279.6 billion mula sa nakaraang buwan.