-- Advertisements --

Mas pinapaigting ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang kampanya kontra sa child labor sa bansa.

Kasunod ito sa lumbas na ulat mula sa Special Release on Working Children Situation ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mayroong 1.37 milyon na mga bata ang nagtagrabaho na.

Sa nasabing bilang ay mayroong 935,000 dito ay ang sangkot sa child labor.

Nanguna rito ang Northern Mindanao Region na mayroong mataas na bilang child labor insidente.

Karamahin sa mga menor de edad ay nagtatrabaho sa mga sakahan.

Sinabi naman ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, na prioridad nila na masawata na ang problema ng pagtatrabaho ng mga menor de edad.