-- Advertisements --

May hakbang na ngayon na ginagawa ang Department of Labor and Employment (DOLE) para tumalima sa pagbebenta ng Department of Agriculture ng P20 kada kilo ng bigas.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, na kaniyang inabisuhan na ang kaniyang mga regional directors ukol sa nasabing usapin.

Dagdag pa nito na dapat makipag-ugnayan ang mga ito sa mga kumpanya sa kanilang lugar para matiyak na kwalipikado ang mga ito sa programang Benteng Bigas Meron (BBM).

Magugunitang pinalawig ng DA ang pagbebenta ng bente pesos na kada kilo ng bigas sa mga minimum wage earners na mga empleyado.