CAUAYAN CITY – Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) Region 2 na hindi maaring maulit ang mga unang benepisaryo ng kanilang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni John Mark Narag, tagapagsalita ng DOLE Region 2 na mayroon silang guidelines na ipinapatupad sa nasabing programa.
Ang mga makikinabang sa naturang programa ay mga Disadvantaged/Displaced Workers dahil sa mga nangyaring kalamidad, pandemya at armed conflict.
Pasok din sa programa ang mga senior citizen na hindi lalagpas sa 70 years old at kaya pang magtrabaho.
Nilinaw niya na hindi maaaring paulit-ulit ang benepisaryo ng TUPAD program ng DOLE maliban na lamang kung muli silang naapektuhan ng kalamidad o pandemya.
Dapat ay isa lamang ang benepisaryo ng TUPAD sa isang pamilya sa loob ng isang taon.
Ang mga hindi qualified sa TUPAD program ng DOLE ay ang mga Barangay tanod, Barangay health workers at government employees.
Sa reklamo aniyang paulit ulit na nakakatanggap ng TUPAD ang mga tricycle drivers at dapat na magkaroon ng pormal na reklamo upang kanilang imbestigahan.
Maaring magwalk-in ang mga beneficiaries para maipasok sa database ng DOLE at kapag naulit ang isang beneficiaries ay matutukoy ng kanilang system.