LAOAG CITY – Hindi umano puwedeng maging benepisyaryo ng ulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ang Barangay tanud, Barangay Health Workers (BHW) at lahat na ng empleyado ng pmahalaan.
Ito ang iginiit ni Mr. John Paul Marbella, Information Officer iti DOLE REGION 1.
Ayon kay Marbella, ang mga kwalipikado sa nasabing programa ay ang mga nawalan ng trabaho at yung mga kaunti lamang ang kinikita sa isang araw.
Siniguro naman nito na titignang mabuti ang mga magiging benepisyaryo ng TUPAD sa pamamagitan ng profiling ng Local Government Unit (LGU) na gagawin ng PESO Manager at DOLE.
Ipinaalam pa ni Marbella na ang punong barangay ang maglilista sa mga benepisyaryo ng TUPAD dahil siya ang nakakaalam sa sitwasyon ng kanyang kabarangay ngunit iva-validate ng DOLE.
Sinabi pa nito na kapag may makukuhang benepisyaryo ng TUPAD na hindi kwalipikado ay ireport lamang sa PESO manager o maseknan sa Local Chief Executive.
Dagdag pa nito na maaaring ipaalam ito sa Field Office ti DOLE para maimbestiga.
Pahayag ito ni Marbella matapos ang reklamo ng ilang residente sa Barangay Surong sa bayan ng Pasuquin na kabilang sa mga benipisyaryo sa nasabing programa ay mga kamag-anak ng punong barangay.