-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magsisimula na sa darating na Sabado, April 17 ang kanilang recruitment o aplikasyon para sa mga nagnanais na maging contact tracers ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, ang recruitment ay magtatagal hanggang April 22, araw ng Huwebes.

Ipinaliwanag ni Bello na ang tanging mga kuwalipikadong mag-apply ay ang mga nagmula lamang sa mga displaced informal sectors o mga nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng pandemyang dulot ng COVID-19.

Samantala, ang mga matatanggap namang aplikante sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage Displaced Workers (TUPAD) program ng DOLE ay partikular na ide-deploy o itatalaga sa Metro Manila.

Layunin anya nito na mas palakasin ang contact tracing system lalo na ngayon na patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga covid cases.