-- Advertisements --

Plano ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na hilingin sa national government na dagdagan ng 5,000 ang bilang ng mga healthcare workers na papayagang makapagtrabaho sa ibang bansa.

Ang nasabing bilang ay mas doble sa naunang bilang sa napagkasunduan sa pagpapadala ng mga nurses sa ibang bansa.

Ginawa din nito ang desisyon matapos ang hiling ng mga grupo ng nursing sa bansa na kung maaari ay dagdagan ang mga papayagang makapagtrabaho sa ibang bansa.

Pagtitiyak din ng kalihim na sa nasabing pagpayag na dagdagan ng bilang ng mga nurses na magtatrabaho sa ibang bansa ya hindi mawawalan ng nurse sa bansa.

Nangunguna kasi ang mga nurses na nagko-contribute sa taas ng remittance sa bansa.