Pinapaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga employers na ibigay ang premier pay ng kanilang mga empleyado na magtatrabaho sa special non-working holidays sa darating na Pebrero ng kasalukuyang taon.
Ayon sa DOLE, ang mga manggagawang magtatrabaho sa Pebrero 1 o sa Chinese New Year at sa Pebrero 25 o sa EDSA People Power Revolution Anniversary ay dapat na mabigyan ng karagdagang 30 percent ng kanilang basic wage.
Ang mga manggagawa namang magkakaroon ng overtime ay mabibigyan din dapat ng karagdagang 30 percent ng kanilang hourly rate sa naturang mga holidays.
Iyong mga magtatrabaho naman sa holidays na nabanggit kahit iyon ay nataon sa kanilang rest day ay dapat na mabigyan ng karagdagang 50 percent sa unang walong oras ng kanilang trabaho.
At para naman sa mag-o-overtime sa kanilang day off ay dapat ding mabigyan ng karagdagang 30 percent ng kanilang hourly rate.