Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employers na mahigpit na sundin ang tamang pasahod ngayong June 12 na idineklarang regular holiday dahil sa pagdiriwang ng 122nd Philippine Independence Day.

Ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III, na dapat bayaran ng mga employer ang doble sa kanilang arawan na sahod ang mga empleyadong papasok sa trabaho.

Nakasaad din ang nasabing kautusan sa Labor Advisory 22-2020.

Paglilinaw din ng DOLE na maaaring ipagpaliban ng mga kumpanya ang nasabing pagbibigay ng double pay dahil sa coronavirus pandemic.