-- Advertisements --

Isinagawa ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang konsultasyon kasama ang mga stakeholder mula sa sektor ng manufacturing, construction, at agriculture sa Visayas at Mindanao bilang bahagi ng kampanya laban sa child labor.

Tinalakay sa naturang konsultasyon ang mga suhestiyon kung paano mapapahusay ang mga umiiral na patakaran upang matiyak ang kaligtasan at legal na proteksyon ng mga bata.

Layunin nitong rebisahin ang Department Order No. 149 na tumutukoy sa mga mapanganib na uri ng trabaho para sa mga menor de edad.

Gaya ng isinagawang konsultasyon sa Luzon, nakibahagi rin dito ang mga eksperto mula sa Bureau of Workers with Special Concerns, Bureau of Working Conditions, Institute for Labor Studies, Occupational Safety and Health Center, at International Labor Organization (ILO), upang magbigay ng mas malalim na kaalaman sa pagbabalangkas ng mga patakaran para sa kapakanan ng kabataan.