-- Advertisements --

Pinayuhan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga pivate employers sa tamang pasahod sa araw ng Lunes Nobyembre 27 na inilipat ang araw ng kapanakan ni Andres Bonifacio o Bonifacio Day na deklaradong Regular Holiday.

Base sa Proclamation 90 series of 2022 na inilipat ang araw sa Nobyembre 27 bilang pag-obserba na rin sa tinatawag na holiday economics.

Ayon sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) na ang sinumang empleyado na papasok sa nasabing araw ay mababayaran ito ng 200 percent ng kaniyang arawang sahod sa unang walong oras.

Habang ang hindi pumasok sa nasabing araw ay mababayaran pa rin ng 100 % ng kanilang sahod sa araw na iyon.

Sakaling lumagpas ng walong oras ang pagtatrabaho nito ay makakatanggap ng dagdag na 30 percent sa kada oras ng pagpasok nito sa trabaho at sakaling pinapasok ang empleyado na nataong day-off nito ay makakatanggap ito ng dagdaga na 30 percent sa basic wage .