-- Advertisements --
DOLE

Naglabas ng babala ang Department of Labor and Employment (DOLE) laban sa mga Accredited Co-Partners (ACPs) nito na maaaring mang-abuso at tatanggap ng mga kickbacks.

Ayon sa DOLE, ang mga ACP ang dapat sana’y nagsisilbing katuwang ng DOLE sa implementasyon nito sa mga programa.

Gayonpaman, maaaring samantalahin din ng mga ito ang mga benepisyaryo ng mga programa nito katulad ng mga TUPAD workers, kasama na dito ang posibleng paghingi ng kickback, misrepresentation, o anumang aktibidad na maaaring makasira sa interes ng mga benepisyaryo.

Babala ng DOLE, ang mga ACP na mapapatunayang ;u,anah sa guidelines na inilatag ng ahensiya ay kaagad tatanggalan ng accreditation, at sasailalim sa watch-list.

Paglilinaw ng DOLE, lahat ng mga programa nito, katulad ng mga cash assistance program, ay libre, at walang kaukulang bayarin para makuha ng benepisyo.

Hinikayat naman ng naturang ahensiya ang publiko na irepport sa lamang ang mga maaaring maranasang pang-aabuso, at anumang makitang paglabag sa mga programa ng DOLE.