Nag-isyu ngayon ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng rules sa sahod ng mga empleyadong magtatrabaho par in kahit mayroong mga weather disturbances.
Sa isang statement na inisyu ng DOLE, ang Labor Advisory No. 17, series of 2022 ay inisyu ni Secretary Bienvenido Laguesma na magsisilbing guide ng mga private sector employers kapag nagkaroon ng suspensiyon ng trabaho at ang appropriate payment ng mga sahod sa inclement weather conditions at calamities.
Sa advisory, sinabi ni Laguesma na nasa prerogative daw ng mga private sector employers kung sususpendehin o hindi ang trabaho para masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng mga empleyado.
Nakalagay sa advisory na ang mga kumpanyang kailangang ipagpatuloy ang operasyon sa gitna ng masamang panahon ay dapat bigyan ang kanilang mga empleyado ng full regular pay kapag nagtrabaho ito nang hindi bababa sa anim a oras.
Kapag nagtrabaho naman ito nang mas mababa sa anim na oras ay kailangan pa rin itong sahuran ng proportionate amount ng kanyang regular pay.
Pero hindi naman daw entitle ang isang empleyado sa regular pay kapag hindi ito nag-report sa trabaho kapag masama ang panahon maliban na lamang kapag mayroon paborableng company policy, practice o collective bargaining agreement na magbibigay pa rin ng sahod sa naturang araw o kung puwedeng gamitin ng empleyado ang kanyang leave credits.
Nanawagan din ang Labor chief sa mga employers na mag-provide ng extra incentives o benefits sa mga employees na magre-report sa trabaho sa kabila ng weather disturbances at parehong sitwasyon.
Samantala, sinabi naman ni Laguesma na ang mga empleyado na hindi pumasok sa trabaho dahil sa imminent danger na dala ng inclement weather conditions ay hindi dapat patawan ng ano mang administrative sanction.










