-- Advertisements --
Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employers sa tamang pagpasahod kasabay ng pagdiriwang ng National Heroes Day.
Sa labor advisory 27 ng DOLE, kung saan idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang regular holiday ay mababayarang 200% ang mga empleyadong papasok ngayong araw.
Habang mababayaran pa rin ng 100% ang mga empleyadong mas piniling hindi pumasok ngayon araw.
Mayroong karagdagang 30 percent sa bawat oras ang dagdag sa kanilang arawan na sahod kapag ang empleyado ay lumagpas ang trabaho ng walong oras.