-- Advertisements --

Posible raw na hindi na ituloy ng Philippine Airlines (PAL) ang plano nitong mass termination sa kanilang 2,400 na mga empleyado.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, malaki umano ang magiging pagbabago sa retrenchment plan ng naturang paliparan lalo na kung makakakita sila ng pag-asa na muling makakabangon mula sa pagkadapa ang PAL bunsod ng coronavirus pandemic.

Naniniwala umano ang kahilim na makababalik muli sa himpapawid ang PAL dahil pinayagan na ng gobyerno ang mas marami pang byahe sa loob at labas ng Pilipinas, kasama na rito ang mga Pilipino na naghahanap ng trabaho sa ibayong dagat.

Wala pa aniyang natatanggap ang DOLE na notice mula sa PAL sa kanilang plano na tanggalin ang kanilang mga empleyado.

Noong Pebrero raw kasi ang huling abiso na kanilang natanggap mula sa paliparan na magtatanggal sila ng 180 empleyado.