Iimbestigahan na rin daw ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang aksidente sa itinatayong Skyway extension project, kung saan isa ang patay at apat ang sugatan.
Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III, aalamin ng kanyang kagawaran naka-ayon ba sa Occupational Safety and Health Standards ang contractor ng proyekto.
“I already ordered inspection to see if they are compliant with Occupational Safety and Health Standards. If they are not compliant, they have liabilities,” ani Bello sa report ng The Daily Tribune.
Kinilala ang contractor ng proyekto na EEI Corporation, na una ng nagpaabot ng pakikiramaya sa pamilya ng nasawing biktima.
Nangako rin sila ng pakikipagtulungan sa imbestigasyon.
Humingi na rin ng dispensa ang San Miguel Corporation na proponent ng Metro Manila Skyway Extension Project. Tiniyak din nila ang pag-aabot ng tulong sa pamilya ng mga biktima.
Sinabi ng Labor secretary na posibleng maglabas sila ng temporary suspension sa proyekton kasunod ng aksidente.