Ipinagmalaki ng Department of Labor and Employement (DOLE) na mayroong 800 aplikante ang natanggap agad sa kanilang nationwide job fair.
Ayon sa DOLE na mayroong 806 na aplikante sa nagdaang tatlong araw ang natanggap ng trabaho.
Sa nasabing araw din ay mayroong 6,138 na mga jobseekers ang nagtungo sa mga job fair para makapag-apply ng trabaho.
Sa nasabing bilang din aniya ay 440 aplikante ang nairefer nila sa echnical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa skills trainings, 290 naman ang ini-referred sa Bureau of Workers with Special Concerns para sa livelihood assistance; at 167 ang nai-referred sa Department of Trade and Industry (DTI) para sa entrepreneurship development.
Mayroon namang 2,056 ang nag-apply para sa mga government service.