Hinimok ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga pribadong kompaniya na makapagliban sa trabaho para masamahan ang kanilang anak na makapagpabakuna kontra measles o tigdas.
Ang naturang anunsiyo ay alinsunod sa nilagdaan kamakailan ni Labor Sec. Bienvenido Laguesma na Labor Advisory No. 04 series of 2024 na nagbibigay halaga sa guidelines at suporta ng DOLE para sa nationwide Measles-Rubella and Bivalent-Oral Polio Vaccine immunization activity mula noong Abril 1 hanggang sa lunes, Abril 15.
Sa pahayag ng DOLE ngayong araw ng Sabado, sinabi ng ahensiya na dapat payagan ang mga empleyado na mayroong mga anak na edad 6 hanggang 59 na buwan na ma-excuse sa trabaho para masamahan sa scheduled vaccination dahil kailangan nilang alagaan ang kanilang anak na posibleng makaranas ng adverse effects o reactions sa bakuna.
Sa pagbabalik sa trabaho, kailangang magpakita ng empleyado ng proof of vaccination at maaari ding payagan na makapag-avail ng leave credits sa kasagsagan ng immunization activity na subject sa company policy o collective bargaining agreement na naggagarantiya ng naturang benepisyo.
Una na nganga hinimok ng Department of Health ang publiko na pabakunahan ang kanilang anak laban sa tigdas na nakakamatay at nakakahawang sakit sa mga bata.