Payag umano si Public Attorney’s Office forensic consultant Dr. Erwin Erfe na isailalim sa examination ang katawan ng namatay na flight attendant na si Christine Dacera kung hihilingin ito ng pamilya ng biktima.
Ayon kay Erfe, maaari pa ring i-examine ang katawan ni Dacera kahit na-embalsamo na ito sa isinagawang forensic examination ng National Bureau of Investigation (NBI).
Hindi na raw bago para kay Erfe ang pag-aralan ang na-embalsamong katawan dahil minsyan ay may alteration umano sa sugat na natamo ng isang biktima.
Kahit aniya sarado na ang sugat, ang general form nito ay nananatili sa katawan ng isang bangkay kahit pa sumailalim na ito sa pag-embalsamo.
Dagdag pa nito na natural lamang na mawala ang ilang ebidensya dahil sa pagkaka-embalsamo subalit nakadepende pa rin daw ito sa kung anong ebidensya ang hinahanap ng mga forensic experts.
Naniniwala naman si Erfe na hindi na kinakailangan ang DNA testing na ninanais ng pamilya Dacera.
Kung maaalala, kinuwestyon ng pamila ng 23-anyos na flight attendent ang medico legal ng PNP na nagpapakitang namatay ito dahil sa aneurysm.