-- Advertisements --

Tiniyak ngayon ng Department of Justice (DoJ) na hindi compliance ang kanilang ibibigay na impormasyon sa International criminal court (ICC) habang papalapit ang September 8 deadline na itinakda ng tribunal.

Ito ay may kaugnayan pa rin sa kampanya ng Duterte administration laban sa iligal na droga.

Sa ngayon, tuloy-tuloy daw na pinaplantsa ng DoJ ang mga impormasyong kanilang ibibigay sa tribunal kaugnay ng Inihahanda na ng Department of Justice ang mga impormasyon kaugnay sa drug war na ibibigay nila sa ICC.

Una rito, sinabi ni DOJ spokesperson Atty. Mico Clavano na gumawa na sila ng mga hakbang sa paghain ng mga kaso at nagsasagawa na ng imbestigasyon.

Kailangan pa niya na mag-antay hanggang Setyembre 8 kung ang mga dokumento ay handa na magbigay ng impormasyon hindi bilang compliance lamang subalit bilang kortesiya at international cooperation.

Sinabi din ni Clavano na magbibigay sila ng updates hinggil sa mga drug war cases na inihain noon at sa imbestigasyon ng NBI.

Nang tanungin kung ipagpapatuloy ng DOJ ang kanilang imbestigasyon sa illegal drug cases , sinabi ni Clavano na handa silang makipagtulungan.

Sinabi din nito na maaaring pumasok ang ICC sa bansa bilang observers at tignan ang proseso ng bansa.