Nanindigan ang Department of Justice na hindi nakikipag-ugnayan ang International Criminal Court sa gobyerno ng Pilipinas.
Ito ay may kaugnayan umano sa posibleng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, walang direktang pakikipag-ugnayan ang naturang international court sa DOJ.
Sinabi ng kalihm na wala itong ideya sa sinasabi ni dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque.
Kung maaalala, naglabas ng online massage si Roque na nagsasabing nakatanggap umano ito ng tawag mula sa dating presidente matapos nitong dumalo sa isang Chinese Embassy reception noong nakaraang linggo.
Sinabi umano ni Duterte na may hawak itong impormasyon hinggil sa pag aresto sa kanya anumang oras.
Iginiit rin ni Roque na ito ay mula sa mapagkakatiwalaang contacts sa Davao
Naglabas din ito ng pahayag hinggil sa planong idisband ang Task Force Davao na kaagad namang pinabulaanan ng AFP.
Ayon sa Eastern Mindanao Command, sinabi nito na walang instructions mula sa kanilang headquarters para alisin ang naturang task force
Kaugnay nito , narito ang naging bahagi ng mensahe ni presidential spokesperson Atty. Harry Roque.