-- Advertisements --
Itinuro ni Justice Secretary Crispin Remulla na ang Department of Foreign Affairs at hindi ang Philippine Statistics Authority (PSA) ang dapat magpaliwanag kung bakit nakakuha ng mga legal na dokumento ang ilang mga kuwestiyonableng dayuhan na kanlang naaresto sa isang Philippine Offshore Gaming Operations.
Ayon kay Remulla na malinaw na sa mga dokumento na ang DFA ang siyang tanging nag-iisyu nito.
Nakipag-ugnayan na aniya ang DOJ sa DFA para sa nasabing usapin.
Magugunitang ikinabigla ng DOJ ang pagkakaroon ng ilang mga dokumento ang mga dayuhang naaresto mula sa iligal operations ng POGO sa bansa.