Umaasa ngayon ang Department of Justice (DoJ) na sa loob ng linggong ito ay makapagsumite na ang National Bureau of Investigation (NBI) ng kanilang inisyal na report kaugnay ng glitches sa Facebook na naging dahilan kung bakit nagkaroon ng dummy account ang maraming FB users.
Sa ngayon patuloy umanong nakakatanggap ng maraming reklamo ang DoJ-office of cybercrime (OOC) ng maraming reklamo kaugnay ng mga ghost FB accounts.
Naisumite na raw ito sa FB para sa preservation at humingi na rin sila ng tulong para sa isasagawang imbestigasyon.
Ayon naman kay Justice Usec. at Spokesperson Markk Perete, Department of Justice (DOJ) ngayong araw mahigit 100 fake Facebook accounts na ang nai-report sa kanilang tanggapan.
Ang mga ebidensiya raw mula sa mga naturang accounts ay gagamitin sa pagsasampa ng posibleng kasong kriminal laban sa mga suspek.