Nagsampa na ang Department of Justice (DoJ) ng kaso laban sa may ari ng WellMed Dialysis Center at sa dalawang lumutang na whistle blower sa Quezon City Regional Trial Court (RTC).
Kasong estafa through falsification of public/official documents ang isinampa ng DoJ kay Dr. Bryan Sy, isa mga may-ari ng WellMed.
Maliban kay Sy, sinampahan din ng parehong kaso sina Edwin Roberto, dating assistant branch manager ng WellMed at Leizel Aileen de Leon na dating empleyado ng PhilHealth.
Ayon sa DoJ, nagsabwatan ang tatlo sa pamemeke ng pirma ng dialysis patient na si Rogelio Tolaresa at pinalabas na sumailalim ito sa dialysis sessions/prosedures noong Agosto 17, 24, 31 at Setpyembre 7, 2017.
Pero ang katotohanan ay patay na pala ang naturang pasyente noong Enero 14, 2017.
Una rito, inamin mismo ni De Leon na pinepeke niya ang pirma ng mga ‘ghost’ patients pero dahil na rin sa direktiba ni Sy.