Kinumpirma ng Department of Justice na makikipag-ugnayan muli ang kagarawan sa Senado kaugnay sa imbestigasyong isinasagawa ukol sa naganap na putukan ng baril noong Mayo.
Ayon kay Justice Secretary Atty. Fredderick Vida, magpapadala ulit sila ng ‘request’ upang makapagsagawa ng inpeksyon o kahit matingnan lamang ang pasilidad ng senado kung saan nangyari ang insidente.
Bukod aniya sa mga nakolektang video, naniniwala ang kalihim na higit na makatutulong kung personal pang makita ng prosekusyon ang lokasyon o pinangyarihan ng putukan.
Kasabay sa pagbabago ng liderato ng senado, umaasa si Justice Secretary Vida na magkakaroon ng mas maigting na koordinasyon at kooperasyon sa pagitan ng kapulungan at prosekusyon.
Alinsunod ang pahayag matapos hindi umano pahintulutan ng senado kamakailan ang Special Panel of Prosecutors na ikutin ang bisinidad.
Paliwanag raw ng senado sa kanila ay meron nang hiwalay at kaparehong imbestigasyon ikinasa ang Office of the Ombudsman at Philippine National Police.
Pati pagiging ‘attached agency’ ng National Bureau of Investigation sa Department of Justice ay tinitingnan rin posibleng ‘conflict of interest’.
Sa kasalukuyan ay wala pang panibagong aksyon o tugon ang senado sa kahilingan ng kagawaran.
Gayunpaman, pagtitiyak ng Department of Justice na walang papapubaran sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng prosekusyon sa kaso.
















