Inalmahan ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang naging pahayag ni Vice President Leni Robredo na “failure” ang war on drugs ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Una rito, inilabas kahapon ni Vice President Leni Robredo ang kanyang report na nakalap mula sa 18 araw nito bilang co-chairman ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Pero buwelta ni Guevarra, hindi raw maituturing na mahina ang mga hakbang ng pamahalaan upang masawata ang iligal na droga sa bansa.

Aminado ang kalihim na ang problema sa iligal na droga ay suliranin pa rin sa Pilipinas at marami pa aniyang dapat gawin at isulong.

Sa kabila nito, iginiit ni Guevarra na may mga nakikita namang pagbabago sa kasagsagan ng war on drugs.

-- Advertisement --

Kabilang na aniya rito ang mababang rate o bilang ng mga krimen sa lansangan.

Pinaka-mahalaga rin das ay patuloy na sinusuportahan ng mayorya ng mga Pilipino ang kampanya laban sa iligal na droga ng kasalukuyang administrasyon.

“I don’t think so. The drug problem, admittedly, still bugs us. Much remains to be done. but there have been palpable gains. This is especially reflected in the lower rate of street crimesnand the majority of our people continue to support the government’s drug campaign,” ani Guevarra.