-- Advertisements --
national ID

Inirekomenda ng Department of Justice sa pamahalaan na dapat hayaang tulungan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang Philippine Statistics Authority (PSA) sa ilang mga gawain nito upang mapabilis ang paglalabas ng national IDs sa mga Pilipino na naantala dahil sa mga isyu sa data transfer.

Base sa legal na opinyon na isinulat ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, sinabi nito na dapat na mag-isyu si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang executive order na nagrerorganisa sa Gabinete sa pamamagitan ng paglilipat ng ilang mga responsibilidad ng PSA sa ilalim ng Philippine Identification System (PhilSys) Act of 2018 sa DICT para matugunan ang mga isyu na nagpapatagal sa pagrolyo ng national IDs.

Ginawa ni Sec. Remulla ang naturang pahayag matapos hilingin ni Executive Sec. Lucas Bersamin ang kaniyang opinyon makaraang magpahayag ang Pangulo ng pagnanais nito na mapabilis ang rollout ng digital PhilSys ID.

Una rito,ang mga isyu sa printing ng National ID ay nag-ugat sa late na pagsisimula ng flow ofdata at dami ng data.

Nakaschedule ang issuance ng nasa 116 million nationa ID para sa produksiyon at delivery noon pang taong 2021 subalit nang sumapit ang katapusan ng taon , tanging nasa mahigit 27 million lamang ang naidliver.

Maliban dito, ayon sa PSA noong nakalipas na taon tanging nasa 3.6 million electronic Philippine IDs ang naimprinta.