-- Advertisements --
Hindi pa natatapos ang evaluation ng prosecutor sa kasong iniuugnay kay dating Rep. Arnulfo Teves Jr na pagpatay umano kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Remulla, na may ilang pag-aaral pa ang prosecutor bago tuluyang makasuhan ang dating mambabatas.
Kapag maresolba aniya ng prosecution na may sapat na ebidensiya sila par magsampa ng kaso kay Teves ay tuluyan ng makakausad ang kaso.
Hindi naman nagbigay ang kalihim kung hanggang kailan ang timeline ng nasabing pag-aaral ng prosecutor.