-- Advertisements --
image 379

Magsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) sa ikinasang police operation sa Maguindanao del Sur na ikinasawi ng 7 miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) noong Hunyo 18.

Ito ay matapos na ipaalam nina dating Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity Secretary Carlito Galvez Jr. at Special Assistant to the President Secretary Anton Lagdameo Jr. sa kanilang pagbisita sa kampo na naipaabot na kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang request ng pinuno ng MILF para magsagawa ng hiwalay, independent at impartial investigation sa naturang operasyon.

Kaugnay nito, iminungkahi ni Glavez sa liderato ng pulisiya at militar na gumawa ng official reports at ipadala ito kay Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao chief Minister Ahod Balawag Ebrahim.

Inirekomenda naman ng mga opisyal ng Bangsamoro Transition Authority na ibalik ang International Monitoring Team na binubuo ng mga dayuhang peacekeepers para matiyak na maipatupad ang ceasefire agreement.

Depensa naman ni Police Brig Gen Allan Nobleza , BARMM police directoer na lehitimo ang kanilang naging operasyon at dumipensa lamang ng magpaputok ng baril sa law enforcers ang isa sa gunmen sa kasagsagan ng search warrant operation sa Barangay Madidis, Datu Paglas, Maguindanao del Sur.

Sa panig naman ng MILF, iginiit nito na dapat na makipag-coordiante pa rin ang pwersa ng pamahalaan bago magsagawa ng operasyon sa mga komunidad ng MILF upang maiwasan ang unnecessary firefights o labanan salig sa GPH-MILF 1997 general agreement.