Aminado ang Department of Justice na wala pa silang natatanggap na impormasyon ukol sa umano’y inilabas ng ‘arrest warrant’ laban kay Sen. Bato Dela Rosa mula sa International Criminal Court.
Alinsunod sa pagkalat ng mga ulat nagsasabing mayroon ng warrant kontra sa mambabatas, inamin ni Justice Spokesperson Atty. Polo Martinez na wala pang kumpirmasyon hinggil rito.
Batay kasi sa mga impormasyon, natanggap na umano ng International Criminal Police Organization ang arrest warrant at nasa Pilipinas na umano ang mga kinatawan nito.
Maging si Prosecutor General Richard Anthony Fadullon ay aminadong wala pang natatanggap na kaparehong ulat sa kasalukuyan.
Kung babalikan, noong nakaraang taon ay mismong si Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla ang nagbunyag sa impormasyon mayroon ng ‘arrest warrant’ inisyu ang International Tribunal laban kay Senador Bato Dela Rosa.
Bagama’t inamin ng Department of Justice na wala pa silang natatanggap na ulat kaugnay sa inilabas nang warrant, kanilang pinanindigan ang naunang posisyon sa kung papaano aaksyunan ang patungkol rito.
Sa eklusibong panayam ng Bombo Radyo PH, sinabi ni Chief State Counsel Dennis Arvin Chan na hihintayin pa rin nila ang magiging desisyon ng Korte Suprema sa mga petisyon nakabinbin may kinalaman sa kaparehong isyu.
Noon nakaraang taon kasi ay naghain ang kampo, pamilya ng mga Duterte ng petisyon sa Kataas-taasang Hukuman kumukwestyon sa legalidad ng pagpapadala kay former President Rodrigo Duterte tungo The Hague, Netherlands.
Habang tumanggi nang magbigay kumento ang naturang opisyal kung kanilang binabantayan o mino-monitor ang lokasyon ni Senador Dela Rosa.
Aniya’y babagsak na ang tungkulin pagpapatupoad ng batas o ‘law enforcement’ sa ibang ahensiya ng pamahalaan.
















