
Binubuo na ng Department of Justice (DoJ) ng task force na mag-iimbestiga sa Philhealth issue na kinasasangkutan ng matataas na opisyal ng ahensiya.
Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, sa ngayon ay kasalukuyan niyang binubuo ang high level task force na mag-iimbestiga sa katiwalian sa Philhealth.
Ngayong araw ay nakatakda rin umano itong maglabas ng statement kaugnay ng bubuuin nitong task force.
Una rito, kinumpirma ni Geuvarra na natanggap na niya ang memo mula sa Malakanyang na nag-aatas sa DoJ na bumuo ng task force para magsagawa ng imbestigasyon, life style check at suspendehin ang mga opisyal na sangkot sa naturang anomalya.
Binigyan ng Malacanang ang DoJ ng 30 araw kapag nakabuo na ng task force para magsumite ng kanilang findings at rekomendasyon.
Kabilang din dito ang panukalang legal action laban sa mga isinasangkot na mga opisyal at employees na mapapatunayang responsable sa korapsiyon at anomalya sa Philhealth.
















