Nilinaw ng Department of Health (DOH) na 31 lang ang total na bilang ng health care workers na namatay sa COVID-19.
Ayon kay DOH director IV Beverly Ho, matapos ang ginawang validation ng ahensya ay nabatid na wala na sa active service ang ilang napasali sa bilang.
Kamakailan nang iulat ng Health department na 35 ang total death toll ng COVID-19 sa mga health care workers.
Kaugnay nito, ibinalita rin ng DOH na sa nakalipas na 10 araw ay walang bagong naitalang death case mula sa health frontliners.
Nasa 2,330 na ang total number ng confirmed COVID-19 cases mula sa hanay ng mga manggagawa sa health sector.
Pinakamaraming infected ang galing sa mga nurse, sinundan ng mga doktor, nursing assistants at medical technologists.
Mula sa naturang bilang, may 1,250 active cases na nasa quarantine.
Ang 1,049 naman mula sa naturang total mga ito ay gumaling na.