-- Advertisements --

Pinag-aaralan na raw ng Department of Health (DOH) ang mga ulat hinggil sa pangmatagalang epekto ng COVID-19 sa mga pasyenteng gumaling na mula sa pandemic na sakit.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, sa ngayon ay wala pa namang natatanggap na apela ang kagawaran mula sa mga recovered patients ng COVID-19 sa bansa.

“I saw these articles these past days na may mga countries, nagbibigay sila ng experiences nila, and they were saying may long-term effects. Pero dito sa atin, meron tayong in-oobserbahan, pero hindi talaga natin nakikita,” ani Vergeire sa online media forum.

“Wala pa tayo talagang nakikita na masasabi natin na malawakan na meron talagang nagkakaroon ng long-term effects.”

Ngayong araw pumalo na sa higit 20,000 ang bilang ng total recoveries ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Vergeire, maganda pa naman ang kondisyon ng mga gumaling na pasyente ng sakit at bumalik na sila sa kani-kanilang mga gawain.

Nangako ang ahensya na agad maglalabas ng ulat kapag may natanggap na apela mula sa recovered patients ng COVID-19.

“Actually, we would see people who have recovered, they are now very healthy, went back to their normal routine. But of course, tinututukan din ng DOH ang mga lumabas na articles.”