ILOILO CITY – Umalma si Iloilo City Mayor Jerry Treñas dahil umano sa mahinang vaccine rollout ng Department of Health (DOH)-Region VI.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Mayor Treñas, sinabi nito na hindi isda ang COVID (Coronavirus Disease) vaccines na kailangang panatilihin sa cold chain equipment at hindi agad ibigay sa mga health care facilities upang magamit na ng mga health workers.
Ayon pa sa alkalde, wang “sense of urgency” dapat ang nasabing ahensya.
Inamin ni Mayor Treñas na nahihirapan siyang makipagtrabaho kasama ang DOH-Region VI dahil wala itong koordinasyon sa lungsod kung mayroong bakuna na dumadating.
Sinumbong din ng alkalde ang ahensya sa COVID testing czar na si Vince Dizon nang bumisita ito sa lungsod.
Kaugnay nito, nanawagan si Dizon sa DOH Region-VI na ibigay agad ang bakuna sa mga health workers.
















