Tiniyak ng Department of Health na mabibili na ngayon sa merkado at health centers ang doxycycline na ginagamit panggamot sa leptospirosis, ito ay sa gita ng pagsipa ng bilang ng mga pasyenteng may kaso ng naturang bacterial infection kasunod ng malawakang pagbaha sa Luzon noong nakaraang buwan.
Pero sa kabila nito, binigyang diin ni DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo, na kinakailangan pa rin na magpa-konsulta sa doktor bago gumamit ng naturang gamot, ito ay dahil hindi umano ito pwedeng gamitin ng mga buntis at mga bata na 12 years old pababa. Maliban pa rito, nakadipende rin daw ito sa sitwasyon ng pangangatawan ng isang indibidwal.
Pinawi ng naturang ahensya ang pangamba ng publiko at sinabing available at libre ito sa mga public health centers.
Aniya, bagamat kinapos ang suplay ng doxycycline sa ilang rehiyon, may kalahating milyong capsules ang nakatakdang e-release sa ahensya.
Kasunod nito, tinitiyak ng DOH ang publiko na kayang i-handle ng health system ng bansa ang tumataas na kaso ng leptospirosis.