Makukuha pa rin ng mga health workers sa bansa ang nakalaang health allowances para sa kanila.
Ito’y sa kabila ng umiiral na money ban ng Commission on Elections kaugnay ng nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Election.
Tiniyak ito mismo ng Department of Health sa pamamagitan ng Department declaration 2023-0439 na pinirmahan ni Health Usec. USEC CAROLINA VIDAL-TAIÑO.
Ayon kay VIDAL-TAIÑO excepted sa money ban ng COMELEC ang pagbibigay ng health allowances sa mga health workers.
Tiniyak rin ng opisyal na sa panahong ito ay tuloy-tuloy ang pagbibigay nila ng naturang allowances para mga karapat dapat na empleyado ng mga pampubliko at pribadong ospital sa bansa .
Ikinatuwa naman ng Alliance health workers ang good news na ito ng Health Department.