Kinumpirma ngayon ni Department of Health Officer in Charge Maria Rosario Vergeire na tumataas ang positivity rate ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Vergeire, tumaas ang positivity rate ng 7.6% mula sa 6.9 % noong nakaraang linggo.
Dagdag pa ng opisyal, mula sa 274 na kaso ng Covid kada araw noong nakaraang linggo ay pumalo na ito ngayon sa 371 na kaso kada araw.
Gayunpaman, binigyang linaw ni Vergeire na hindi naman nag-sspike ang kaso ng infection sa bansa.
Mahalaga rin aniya na walang malulubhang kaso ng Covid 19 sa bansa at walang kaso ng mga naoospital sa kabila ng pagtaas ng positivity rate nito.
Muli namang nanawagan si Vergeire sa publiko na magpaturok na ng booster shor at panatilling magsuot ng facemask lalo sa mga kulob at kapag lalabas sa matataong lugar.