Hindi kokonsintihin ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang may-ari ng WellMed Dialysis Center kahit na ito ay kaniyang inaanak sa kasal.

Inamin ng kalihim na tinawagan siya ng ama ng may-ari at sinabing inaanak niya sa kasal ang may-ari na si Bryan Sy.

Pinayuhan ng kalihim na kasuhan na lamang nila ang nasa likod ng insidente o isumbong na lamang sa Philhealth.

Ipapaubaya na lamang nito ang kaso sa mga ahensya na nagsasagawa ng imbestigasyon sa nasabing isyu.

Nauna rito inaresto na ng National Bureau of Investigation si Sy dahil sa kasong estafa.